Mayor Sara Duterte, pinayuhan si Asec. Mocha Uson sa pederalismo

by Radyo La Verdad | August 13, 2018 (Monday) | 6050

Naniniwala si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na walang dahilan para humingi ng tawad at mag-leave of absence si Communications Assistant Sec. Mocha Uson dahil sa kumalat na kontrobersiyal federalism video.

Ayon sa alkalde, kailangan lamang ayusin ni Uson at i-improve pa ang pagtatawid ng mensahe sa mga tao patungkol sa panukalang charter change.

Sa social media post ni Uson, ipinakita nito ang kanyang mensahe sa alkalde.

Humihingi ito ng paumanhin kay Mayor Duterte at ipinaliwanag na ginawa ang video noong wala pang opisyal na ibinaba kung ano ang magiging parte niya para sa information dissemination kaugnay ng federalism. Gumawa aniya sila ng sariling pakulo upang makakuha ng atensyon sa publiko.

Sinagot naman ito ng alkalde at sinabing wala itong dapat ihingi ng paumanhin. Nagpapasalamat si Uson kay Mayor Sara at nangangakong pagbubutihin pa niya ang kanyang trabaho.

Matatandaang umani ng batikos si Uson nang kumalat ang video na may pamagat na “Sneak peek of our federalism lecture series”.

Makikita dito ang pro-Duterte blogger na si Drew Olivar na sumasayaw at kinakanta ang jingle sa pederalismo na may halong sensetibong mga salita na tumutukoy sa maselang bahagi ng katawan ng isang babae.

 

( Janice Ingente / Mocha Uson )

Tags: , ,