Huwag nang galawin ang mga pulis sa Davao, ito ang naging pahayag ni Davao Mayor Sara Duterte Carpio kasunod ng plano ng PNP na ilipat sa Caloocan City ang ilang Davao police dahil sa sunud-sunod na mga maanomalyang operasyon na kinasangkutan ng mga pulis-Caloocan.
Ayon sa alkalde mas mabuti na marami ang mga pulis sa Davao dahil sa madalas na pagkakataon ay nasa siyudad si Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, hinikayat naman ni Mayor Sara si PNP Chief Dela Rosa na maglabas ng kanilang datos kaugnay ng napapatay sa anti-drug operations ng pamahalaan.
Ito aniya ay upang pabulaanan ang mga kumakalat ng fake news na umabot na sa labing tatlong libo ang bilang ng napatay sa kampanya kontra iligal na droga.
Aniya, dahil sa mga kumalakat na maling balita ay nagnenegatibo ang imahe ng ahensya.
( Marisol Montaño / UNTV Correspondent )
Tags: Davao City Police, hindi sang-ayon, Mayor Sara Duterte