Naka special medical leave ngayon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil sa kanyang gyne condition. Ito ang mensang pinadala niya sa media na dahilan kung bakit hindi sya makakadalo sa State of the Nation Address ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na hindi ito makakadalo sa SONA dahil sa kanyang medical condition, una ay noong 2016.
Samantala isinasaalang alang naman ni Davao City Vice Mayor Baste Duterte ang isasagawang sesyon sa kanilang lungsod kaya hindi rin ito makakadalo sa SONA ng kanyang ama.
Ang Bise Alkalde ang Presidente ng City Council sa Davao.
“Ako hindi ako maka-attend ng sona kase may session nyan sa Tuesday nakakapagod din kung babalik ako dito ng maaga. Dito nalang ako manonood napang ako sa TV,” ani Davao City Vice Mayor Baste Duterte.
Samantala, ipinaabot naman ng Malacañang ang pag-aalala sa kalusugan ni Mayor Sara.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo, hindi nila alam ang detalye sa dahilan ng ‘di nito pagdalo sa sona ng Pangulo.
”We can only prayer for her safety or recovery from whatever illness she is presently suffering, kung mayroon mang sakit ‘di we will have to pray for her,” ayon kay Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Davao City Vice Mayor Baste Duterte, Pang. Rodrigo Duterte, SONA 2019