Davao City LGU, nagpaalala na bawal ang paputok

by Radyo La Verdad | December 29, 2022 (Thursday) | 16620

Walang naitalang firecracker-related incident sa Davao City mula nang magsimula ang holiday season at nais itong panatilihin ng lokal na pamahalaan ng lungsod hanggang sa pagpapalit ng taon. Dahil dito mas paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng city ordinance 60-02 o firecracker ban.

Isang libong pisong multa o pagkakakulong ng dalawampu hanggang isang buwan ang parusa sa unang paglabag. tatlong libong pisong multa o pagkakakulong ng isang buwan hanggang tatlong buwan ang parusa sa ikalawang paglabag at limang libong pisong multa o tatlong buwan hanggang anim na buwan naman ang parusa sa ikatlong paglabag.

Inatasan na ng Public Safety and Security Command Office ang Davao City Police Office na i-monitor ang mga pampubliko at pribadong ospital sa kanilang area of responsibility upang agad na mai-report sa kanila at kay Mayor Sebastian Baste Duterte ang posibleng firecracker-related injuries.

Isa pa sa binabantayan ng security forces ay ang indiscriminate firing upang maiwasan ang stray bullet incident.

Nakamonitor din ang mga pulis sa pagdagsa ng mga tao sa terminal, pasyalan at laban sa mga kawatan lalo’t marami ang inaasahang mga magbabakasyon.

Lucille Lloren | UNTV News

Tags: