Davao City, hindi pa handa na maibilang na COVID-19 surge-free

by Radyo La Verdad | February 18, 2022 (Friday) | 826

Hindi pa handang ideklara ng Davao City COVID-19 Task Force na surge-free na ang lungsod dahil nasa 19.7% pa ang positivity rate nito.

Ayon kay COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, maaaring bumaba na nga ang positivity rate ngunit hindi ito nangangahulugan na surge-free na ang lungsod.

Aniya, noong nagsimula ang surge umabot sa 50% positivity rate ang lungsod at ngayon nasa 19.7% na lang, kung magpapatuloy ang downtrend at aabot sa 5% ang positivity rate, masasabing malaya na ang Davao City sa surge.

Dagdag pa ni Dr. Schlosser, maaaring matapos ang surge sa Marso ayon sa isang epidemiological study.

Batay sa mga naunang ulat, ang Davao City ay nailagay sa “Moderate Risk” dahil sa pagkakaroon nito ng low two-week growth rate at high average daily attack rate.

Idiniin din ni Dr. Schlosser na bumababa ang kaso ng lungsod dahil sa estratehiyang ipinatutupad dito kabilang na ang mataas na vaccination rollout.

(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)

Tags: