Davao City Cluster Clinic para sa COVID-19 patients, binuksan na

by Radyo La Verdad | December 9, 2021 (Thursday) | 14747

DAVAO CITY – Unang binuksan sa Doña Vicenta Village, Bajada noong December 3, 2021 ang isa sa walong bubuksang 24/7 COVID-19 Cluster Clinic sa Davao City. Layunin nitong mas matutugunan pa ng lungsod ang umuusbong na pandemya.

Ang nasabing clinic ay bukas sa loob ng 24 oras, nagsimulang magsilbi nitong Lunes (December 6).

Nanguna sa pagbukas ng Clinic ay si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, na sinamahan ng mga kinatawan mula sa Chargé d’ Affaires, ad interim of US Embassy Manila at Heather Variava.

Nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod sa Reach Health-US Agency for International Development (USAID) para sa pagsasakatuparan ng COVID-19 Cluster Clinic.

Ayon kay Dr. Michelle Schlosser, ang klinika ay nag-aalok ng libreng contact tracing, konsultasyon, gamot, swab test, quarantine o isolation, transportasyon, at pagkain para sa mga hinihinalaang may COVID o kumpirmadong may COVID. Ang Clinic ay may sapat na mga doktor upang tugunan ang kanilang alalahanin.

Ang pagbubukas ng unang clinic ay bahagi lamang ng pangako ni Mayor Sara, na kaniyang sinabi noong Agosto, na magtatatag ng mga Cluster Clinic.

(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)

Tags: ,