Pabor si former Senator Panfilo “Ping” Lacson na maibalik ang parusang kamatayan sakaling siya ay muling mahalal bilang senador sa darating na halalan.
Aniya,maghahain ito ng panukala upang muling mabuhay ang parusang bitay kung saan magiging target ang mga big-time illegal drug lords at mga taong gumagawa ng karumaldumal na krimen.
Sinabi ni Lacson na ito ay bahagi ng kaniyang plano na mapaganda ang peace and order situation sa bansa.
Ayon sa datos na isinaad ni Lacson, pitumpung porsyento ng mga krimen sa Pilipinas ay dahil sa droga at nobenta porsyento ng mga barangay sa Metro Manila ay apektado ng problema ng ipinagbabawal na gamot.
Dagdag pa ng dating senador, ang mga bansang tulad ng Singapore, Taiwan, China at Estado Unidos ay mauunlad ang komunidad dahil sa ipinapairal ng mga ito ang death penalty.
(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)