Dating Sen. Bong Revilla, babasahan na ng sintensya sa ika-7 ng Disyembre

by Radyo La Verdad | November 8, 2018 (Thursday) | 15648

Apat na taon matapos makasuhan ng plunder kaugnay ng pork barrel scam, babasahan na ng sintensya ng Sandiganbayan si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Itinakda ng Sandiganbayan First Division sa ika-7 ng Disyembre, alas otso ng umaga ang promulgation ng desisyon sa naturang kaso.

Ika-19 ng Agosto nang matapos ang paglilitis kay Revilla na inaakusahang nakinabang sa 224 milyong piso na Priority Development Assistance Fund (PDAF) kasabwat ang negosyante at kapwa akusadong si Janet Lim Napoles.

Kung sakali, si Revilla ang kauna-unahang mambabatas sa kasaysayan ng bansa na mahahatulan sa PDAF scam.

Samantala, tuloy naman ang paglilitis sa mga kasong plunder nina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na pansamantalang nakakalaya matapos payagang magpiyansa ng korte.

Tags: , ,