Dating security guard na nasangkot sa iba’t-ibang kaso, patay sa pamamaril sa Caloocan

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 2733

Nakahandusay sa madilim na eskinita sa Phase 9 sa Bagong Silang, Caloocan City ang bangkay ng isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin.

Kinilala ang biktima na si Michael Magno, trenta y singko anyos na dating security guard.

Ayon sa kanyang tiyahin na si Mylene, ginising na lang sila ng kapitbahay at sinabing binaril ang kaanak niya at hindi niya alam kung sino ang may kagagawan.

Ayon sa imbestigador ng Caloocan City Police na tumanggi nang magpainterview sa harap ng camera, nasangkot umano si Michael sa iligal na droga at nasa drugs watchlist ng barangay.

Napag-alaman din na sangkot si Michael sa pagpatay ng isang lalaki noong isang taon at nakulong na rin dahil sa pagdala ng baril.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng kalibre 45 na baril.

Inaalam na kung may kinalaman ba ang pagpatay kay Michael sa kanyang mga nakalipas na mga kaso.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,