Dating SBMA Chair Martin Diño, inalok umano na maging DILG Undersecretary

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 1121

May inaalok umanong bagong pwesto kay dating Chairman Martin Diño matapos siyang palitan sa pamamahala sa Subic Bay Metropolitan Authority.

Kahapon, kinumpirma ni Diño na ipinatawag siya sa palasyo bago inanunsyo ang paghirang kay Wilma Eisma bilang bagong SBMA Chairperson.

Ngunit ayon sa Malakanyang, hindi pa itinatalaga si Diño sa anomang posisyon sa DILG o ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa kabila nito, iginagalang ni Diño ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan siya sa pwesto.

Giit niya, hindi siya sinibak sa pwesto at hindi siya sangkot sa kurapsyon. Pero aminado itong masama ang kanyang loob sa ilang opisyal sa Malakanyang.

Sa kabila nito, hindi umano nawawala ang kanilang tiwala at suporta kay Pangulong Duterte.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: ,