Dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn kakasuhan na sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | May 15, 2015 (Friday) | 1155

ex-mayor-Edward-Hagedorn
Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn.

Nine counts ng perjury, at tig- isang count ng graft at paglabag sa code of conduct for ethical standards for public officials and employees ang kakaharaping kaso sa Sandiganbayan ng dating alkalde.

Kaugnay ito ng umano’y hindi pagdedeklara ni Hagedorn ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN mula taong 2004 hanggang 2012.

Ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman, hindi nakalagay sa SALN ng dating alkalde ang limampung real properties kabilang ang ilang residential lots, commercial buildings at agricultural lands, 49 na mga kotse at limang business shares sa ibat ibang kumpanya.

Nanungkulan bilang alkalde ng Puerto Princesa si Hagedorn mula 2002 hanggang 2013.

Sinubukan nitong bumalik sa pwesto sa pamamagitan ng recall elections noong nakaraang linggo, ngunit natalo sa kasalukuyang Mayor na si Lucilo Bayron.