Dating Pres. Gloria Arroyo, hinihimok na desisyunan na ng Korte Suprema ang kanyang hiling na masailalim sa house arrest

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 2251

IMAGE__UNTV-News__PHOTOVILLE-International-__091912__Gloria-Arroyo
Hinihimok na ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Korte Suprema na desisyunan na sa lalong madaling panahon ang kanyang hiling na masailalilm sa house arrest sa kanyang bahay sa La Vista Subdivision sa Quezon City.

Ayon kay Ginang Arroyo, lagpas na sa deadline ng korte ang pagpapasa ng Office of the Solicitor General o OSG ng kanilang kumentaryo sa mosyon na tatlong beses na nitong ipinagpaliban.

Paliwanag pa ni Arroyo, lumalala na ang kanyang kundisyon dahil sa matagal na hospital arrest.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Arroyo Sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC dahil sa kasong plunder kaugnay ng ma-anomalyang paggamit ng milyun milyong intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO noong presidente pa siya ng bansa.

(UNTV NEWS)

Tags: