Dating Pres. Duterte, nanawagan ng buong suporta  para sa administrasyon ni PBBM

by Radyo La Verdad | July 1, 2022 (Friday) | 758

METRO MANILA – Ilang sandali bago tuluyang lisanin ang Malacañang kahapon (June 30), may huling panawagan bilang Pangulo si Rodrigo Duterte sa mga kababayan.

Ang ipagkaloob ang lahat ng suporta at tulong kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

“Let us give all our support to the new administration. Tulungan natin sila. Tulungan natin sila.” ani Former President Rodrigo Duterte.

Gaya ng tradisyon, nagpulong ang 2 nang magkita sa Malacañang bago ang inaugural ceremony sa National Museum of Fine Arts.

Ginawaran ng final departure honors ang dating presidente tsaka umalis ng palasyo.

Samantala, hindi na dumalo sa inaugural address ni President BBM si dating pangulong Duterte.

Naaayon na rin ito sa tradisyon na umaalis sa inauguration venue ang isang outgoing president bilang simbolo ng pagtatapos ng dating administrasyon at pagsisimula ng bagong gobyerno.

Bumisita naman sa isang shopping center sa Makati City ang dating pangulo. Ang unang aktibidad na ginawa nito bilang isang private citizen.

Kita sa mga larawan at video sa social media na dinudumog pa rin ang dating presidente at marami pa ring kababayan ang ibig na magpakuha ng litrato sa kaniya.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,