Pinababantayan na ng Department of Justice sa Bureau of Immigration ang posibleng pag-alis ng bansa nina dating Pangulong Benigno Aquino III at mga dating miyembro ng kaniyang gabinete kaugnay ng sinasabing anomalya sa dengue vaccination program.
Bukod kay PNoy, sakop din ng Immigration lookout bulletin order sina dating Executive Secretary Paquito Ochoa, dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad, dating Health Secretary Janette Garin at limang iba pa.
Katwiran ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, minabuti nilang ilagay sa Immigration watchlist ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon matapos sampahan ng kasong katiwalian sa Ombudsman.
Nag-ugat ang reklamo sa 3.5 billion pesos na vaccination program na ipinatupad ng nakaraang administrasyon dahil sa inilabas na kautusan ni Aguirre, kailangan munang kumuha ng clearance sa DOJ sina PNoy bago sila payagang makaalis ng bansa.