Dating Pangulo Fidel Ramos, nagtungo sa Hongkong upang makipag-usap sa mga kaibigang Chinese

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 1118

GRACE_RAMOS
Nagsagawa ng press briefing si dating pangulo at Special Envoy to China Fidel V. Ramos bago magtungo sa Hongkong upang makipag-usap sa mga Chinese sa issue ng maritime dispute sa West Philippine o South China Sea.

Nilinaw ni Ramos na hindi layon ng kaniyang pagbisita sa Hongkong na makipag-negosasyon na sa China o umpisahan na ang official bilateral talks kundi upang ibalik ang dating mabuting ugnayan ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ni Ramos na siya ang nagsisilbing ice-breaker matapos na maglabas ng pabor na desisyon sa Pilipinas ang arbitral tribunal.

Magtatagal ang dating pangulo sa Hongkong sa loob ng apat hanggang limang araw.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,