Dating pamunuan ng BIR, posibleng may kapabayaan sa kaso ng Mighty Corporation – Atty. Panelo

by Radyo La Verdad | March 16, 2017 (Thursday) | 4885


Posibleng masampahan ng negligence o kapabayaan ang dating pamunuan ng Bureau of Internal Revenue dahil sa nabinbin at hindi naisampang kaukulang reklamo laban sa cigarette producer na Mighty Corporation.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, mayroong inihanda ang nakaraang administrasyon na kaso laban sa kumpanya ngunit hindi naman ito naisampa sa korte.

Una nang napaulat na hindi nagbayad ng bilyong-bilyong halaga ng buwis at namemeke rin ang naturang kumpanya ng tax stamps.

Ayon pa kay Atty. Panelo, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang grupo na pag-aralan at magbigay ng rekomendasyon sa reklamong posibleng isasampa laban sa Mighty Corporation.

Tags: , ,