OMB Chair Ronnie Ricketts nagpasok ng not guilty plea sa kasong graft sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | July 23, 2015 (Thursday) | 1594

ricketts
Nagpasok ng not guilty plea si Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts sa kanyang kasong graft sa 4th division ng Sandiganbayan.

Sa arraignment iginiit ng mga abugado ni Ricketts walang naipakitang matibay na ebidensya sa kaso nito.

Matatandaang kinasuhan ng Ombudsman ng paglabag ng Section 3e ng Anti graft and Corrupt Practices Act o R.A. 3019 sa Sandiganbayan si Ronnie Ricketts pati na ang apat pang empleyado ng OMB.

Ayon sa impormasyon ng kaso, May 27 2010 umano nang makumpiska ng OMB sa Sky High Marketing Corp ang mga pirated na dvd at vcd.

Isang security guard umano na nakilala sa pangalang Perez ang tinawagan ni Ricketts noon ding araw na iyon upang sinauli at sinakay muli sa sasakyan ng kumpanya ang naturang mga ebidensya dahilan kaya hindi nasampahan ng kaso ang naturang kumpanya.

Subalit sa arraignment kanina iginiit ng mga abugado ni Ricketts na walang na matibay na ebidensya ang prosekusyon na magpapatunay na tumawag si Ricketts sa nasabing security guard.

Sa mga susunod na araw ay itatakda na ng korte ang pretrial ng kaso.(Grace Casin/UNTV Correspondent)