Tinanggal sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating National Capital Region Police Office Chief Joel Pagdilao at dating Quezon City Police District Director Edgardo Tinio.
Administratively liable umano ang dalawang heneral dahil sa serious neglect of duty at serious irregularity in the performance of duty, na nag resulta umano sa paglaganap ng iligal na droga sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi pa nila alam kung sasampahan ng kasong kriminal ang dalawang opisyal.
Hindi rin masabi ni Abella kung masusundan pa ang dismissal ng dalawang heneral. Wala ring detalye kung totoong sangkot nga ba ang mga ito sa kalakalan ng iligal na droga.
Si Pagdilao at Tinio ay kasama sa listahan ni Pangulong Duterte na mga narco-generals.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: NCRPO Chief Joel Pagdilao, Pangulong Duterte, QCPDD Edgardo Tinio