Handa ang pambansang pulisya na agad na hulihin ang mga suspek o may kinalaman sa madugong Mamasapano operations kung may warrant of arrest na ang mga ito.
Ayon kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa, dapat ding panagutin ang lahat ng may kinalaman sa operasyon na hindi naisama sa kaso noon.
Sinabi pa nito na base sa isinumite nilang report noon bilang bahagi ng Board of Inquiry na nag imbestiga sa operasyon bukod kay dating PNP Chief Alan Purisima at PDir. Getulio Napeñas ay kabilang din sa dapat managot si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ngayong nais aniya ni Pangulong Duterte na buksan muli ang kaso, umaasa siyang wala nang sisinuhin maging ang mga dating mataas na opisyal pa ng gobyerno.
Ang oplan exodus na tinawag na time on target operation ay ikinasa noong Jan. 25, 2015 laban sa international terrorist na si Zulkifli Binhir alyas Marwan kung saan 44 na Special Action Force ang nagbuwis nang buhay.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Dating miyembro ng Board of Inquiry na si PNP Chief PDG Ronald “Bato” Dela Rosa, umaasang mapananagot na ang lahat nang may kinalaman sa Oplan Exodus