Dating Metro Rail Transit Gen Manager Al Vitangcol, mahahaharap sa bagong kaso ng katiwalian sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1233

AL-VITANGCOL
Ipinagutos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na makasuhan pa ng dalawang counts ng graft si dating MRT Gen Manager Al Vitangcol sa Sandiganbayan.

Kaugnay ito sa umano’y attempted extortion o tankang pangingikil ni Vitangcol ng 30 million us dollars sa Czech Company na inekon para sa suplay ng dagdag Light Railway vehicles ng MRT 3 taong 2012.

Patunay anila sa alegasyong ito ang mga pahayag ni Czech Ambassador Josef Rychtar at Inekon Representative Joseph Husek na nagsabing nagbigay ng mga kundisyon si Vitangcol bago iaward sa kanila ang kontrata.

Maliban sa tangkang pangingikil, pinilit din umano ni Vitangcol ang naturang kumpanya na pumasok sa joint venture kasama ang ilang indibwal, kabilang si Wilson De Vera na isa sa Incorporators ng Ph Trams para sa maintenance contract ng MRT.

Dahil dito, pinakakasuhan rin ng Ombudsman si De Vera dahil sa umanoy pakikipagsabwatan kay Vitangcol.

Matapos ang naging masusing imbestigasyon ng Ombudsman, napagalamang guilty si Vitangcol sa grave misconduct, serious dishonesty and unlawful solicitation at ipinagutos na ang kanyang perpetual disqualification from office.

At dahil nagresign na siya at hindi na maaaring tanggalin sa pwesto, pinagbabayad din si Vitangcol ng danyos na katumbas ng isang taon na sweldo niya noon.

Maliban sa kasong ito, nahaharap din si dating MRT Gen Manager Al Vitangcol sa graft sa Sandiganbayan 3rd division kaugnay naman sa umanoy conflict of interest ni Vitangcol sa maintenance contract ng MRT.

Sinubukan ng UNTV News na kuhanan ng pahayag si Vitangcol ngunit hindi pa ito nagsasalita hinggil sa bagong kasong isasampa laban sa kanya.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,