Dating mayor ng Pasay city, sinentensyahan ng pagkakakulong ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 2206

SANDIGANBAYAN
Sinentensyahan ng anim hanggang sampung taong pagkakabilanggo ng Sandiganbayan ang dating mayor ng Pasay city na si Wenceslao Trinidad at dating city councilor Jose Antonio Roxas at dalawa pang kapwa akusado.

Hinatulan ng 1st division ng anti graft court na guilty beyond reasonable doubt ang dalawa dahil sa paglabag sa Sec 3e ng anti graft and corrupt practices act at article 237 ng revised penal code.

Ayon sa Korte, malakas ang ebidensyang iprisinita ng prosekusyon na nakipagsabwatan ang mga akusado sa ilang pridbadong indibidwal at kinatawan ng isang non government organization upang paboran sa bidding ang kumpanyang Izumo Contractors Inc. para sa pagpapatayo ng Pasay city mall at public market noong 2004.

Nagkakahalaga ang kontrata ng mahigit sa 489 million pesos.

Samantala, kasamang nasentensiyahan nina trinidad at roxas ang dalawa pa nilang kasamahan na kinilalang sina Joselito Manabat at Elexander Ramos na hindi pa nadadakip ng mga otoridad.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: , ,