Dating Manila Mayor Alfredo Lim, inireklamo sa Office of the Ombudsman

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 2704

ALFREDO-LIM
Sinampahan ng reklamong graft, gross misconduct at gross neglect of duty si dating Mayor Alfredo Lim dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng buwis noong alkalde pa ito ng Maynila.

Ayon sa private complainant, at taxpayer na taga Maynila na si Reynante Sacaguing, hindi binayaran ni limang sinisingil ng Bureau of Internal Revenue o BIR na dapat bayarang buwis ng lungsod.

Sinabi ni Sacaguing na matapos na maaksidente siya sa motorsiklo noong 2012 ay nag-research siya sa inilalaang pondo ng lokal na pamahalaan para sa road repair at maintenance.

Doon niya natuklasan na umabot na pala sa 572 million pesos ang utang ng Maynila sa BIR para sa taong 2007.

Ayon din kay Sacaguing, dapat ay makasuhan din ng graft si Lim dahil sa pang-iimpluwensya sa opisyal ng Maynila na hindi aksyunan ang notice of assessment mula sa BIR.

Kasama rin sa inireklamo ang dating City Treasurer Marisa de Guzman at dating City Accountant Maria Lourdes Manlulu.

Ayon naman kay Lim, maaaring pamumulitika lamang ito laban sa kanya.

Sa ngayon ay pagaaralan pa ng Office of the Ombudsman kung may sapat na basehan ang reklamo bago magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

(Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: ,