Pinakakasuhan ng graft ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Maguindanao Representative Simeon Datumanong dahil sa 3.8 million Priority Development Assistance Fund Scam.
Batay sa imbestigasyon, ang Maharlikha Lipi Foundation Inc. Ang siyang pinaglaanan ni Datumanong ng kanyang 3.8 million PDAF kahit hindi ito dumadaan sa bidding process.
Pinakakasuhan rin ng Ombudsman ang national Commission of Muslim Filipinos kung saan pinadaan umano ni datumanong ang pondo para makarating sa naturang NGO.
Sinabi naman ni Datumanong na napeke ang kanyang pirma upang maaprubahan ang 3.8 million project sa Maharlikha Lipi Foundation.
Tags: 3.8 million PDAF Scam, Dating Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, pinakakasuhan ng Ombudsman ng graft