Dating Laguna Gov. ER Ejercito, nagpiyansa na sa Sandiganbayan sa kasong graft

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 1433

ER-EJERCITO
Personal na nagtungo sa Sandiganbayan si dating Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito upang maglagak ng tatlumpung libong pisong piyansa para sa kinakaharap na kasong katiwalian.

Ito’y kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest nitong Lunes ng korte laban kay Ejercito bunsod ng hindi niya pagdalo sa kanyang arraignment.

Hindi kasi nakumbinse ang 4th division sa ipinasang medical certificate nito kung saan nakasaad na kasalukuyan itong naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa pnuemonia.

Sumailalim si Ejercito sa bail posting procedure kabilang ang finger printing at pagpapasa ng litrato.

Tumanggi nang magpainterview si Ejercito sa media ngunit sinabi ng kanyang campaign manager na nakahanda na sana sila sa pagdalo sa arraignment nitong Lunes ngunit hindi naman inaasahan ang biglaang pagkakasakit nito.

Ayon din sa kanyang kampo mananatili pa ng ilang araw sa ospital si Ejercito upang magpagaling.

Nahaharap si Ejercito sa kasong graft dahil umano’y maanomalyang health insurance deal para sa mga turista at bangkero ng Pagsanjan, Laguna taong 2008 noong nanungkulan siya bilang mayor.

Naghain na rin ng mosyon si Ejercito sa korte upang idismiss ang kaso at ipagpaliban ang nakatakdang arraignment.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: ,