Dating konsehal ng Naga City, kinumpirmang talamak ang droga sa lungsod

by Radyo La Verdad | August 21, 2018 (Tuesday) | 6681

Isang dating konsehal sa Naga City ang nagpapatunay ngayon na talamak nga ang droga sa lungsod.

Sa isang press conference sa Quezon City, isinalaysay ni Luis Ortega na mahigit sampung taon na ang kalakalan ng iligal na droga sa lungsod.

Labintatlong barangay aniya sa Naga City ang napasok na ng droga at hanggang ngayon ay hindi pa ito nababago. Kulang din aniya ang ginagawang aksyon ng alkalde ng NAGA upang mahuli ang mga drug lord at mga adik.

Ayon pa kay Ortega, natural lang na itanggi ng mga taga Naga ang akusasyong ito kaya sila nagagalit.

Nitong nakaraang Martes, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing shabu hotbed ang Naga City.

Ayon pa kay Ortega, sangkot mismo sa iligal na droga ang kapatid ni dating Naga City mayor at dating DILG Secretary Jesse Robredo na si Butch Robredo.

Pero nilinaw ni Ortega na hindi ito personal at nananawagan lang siya kay vice president leni robredo na tumulong upang sugpuin ang problema sa iligal na droga.

 

( Charlie Barredo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,