Dumalo sa flag ceremony ng Department of Justice si former DOJ Chief Vitaliano Aguirre the second.
Matapos pasalamatan ang kaniyang mga kasamahan, tinalakay ni Aguirre sa harap ng mga empleyado ng DOJ ang nangyaring pagkaka dismiss sa kaso nina Kerwin Espinosa at iba pang big time drug lords.
Ayon kay Aguirre, kailanman ay hindi siya nakiaalm sa deliberasyon ng prosecution team osa drug charges ni Espinosa.
Naglabas din ito ng hinanakit sa mga umano’y naglabas ng resolusyon ng kaso kahit hindi pa ito pinal.
Iginagalang naman ni Aguirre ang pasya ng bagong Justice Secretary na rebyuhin ang desisyon nito na isailalim sa witness protection program si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.
Hindi na nagpaunlak ng panayam si Aguirre matapos ang talumpati kaya’t hindi pa rin nito nabibigyan ng linaw kung bakit siya nagbitiw sa pwesto.
Samantala, sa isang text message ay sinabi naman ni incoming DOJ Secretary Menardo Guevarra na bubuin muna niya ang kaniyang legal team bago kausapin ang investigating panel na may hawak sa kaso Nina Espinosa at iba pang drug lords.
(Mia Bermudez / UNTV News Correspondent)