Dating INC Minister Lowell Menorca, binigyan ng “conditional refugee status” sa Vancouver, Canada

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 2006

LERMA_MENORCA
Ilang buwan makalipas na lisanin ang Pilipinas isa nang refugee dito sa Canada ang dating ministro ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca.

April 1 nang dumating dito sa Vancouver si Menorca at pinagkalooban ng “conditional refugee status” ng gobyerno ng Canada.

Sa panayam ng UNTV News kay Menorca sinalaysay nito ang mga dahilan kung bakit kailangang lisanin na ng kanilang pamilya ang ating bansa.

Si Menorca ay sinampahan ng Iglesia ni Cristo ng mga kasong libel, illegal possession of explosives at adultery.

Noong nakaraang linggo ay dinismiss ng Court of Appeals ang petition for Writ of Amparo ng dating INC minister dahil hindi napatunayan na may banta buhay ng kanyang anak kaya ito umalis ng bansa.

Samantala ibinunyag rin ng dating ministro na mayroon ng malaking utang ang Iglesia ni Cristo.

Pinabulaanan rin nito na may maibibigay na malaking suporta ang Iglesia ni Cristo sa mga kumakandidato ngayong eleksyon.

(Lerma Macaburas / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,