Ala-una trenta‘y singko ng madaling araw ngayon martes nang ipahayag ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. sa kanyang facebook account ang pagpanaw ng kanyang amang si dating Iloilo Governor Niel Tupas Sr.
Sa text message ni Congressman Tupas sa UNTV News sinabi nito na noong October 24 pa nang dalhin nila sa Philippine Heart Center ang kanilang ama.
Agad itong inilipat sa intensive care unit ng ospital subalit matapos ang dalawang linggo, at dahil sa multiple organ failure binawian na ito ng buhay.
Si Tupas Sr ay isang Liberal Party Member at unang nahalal bilang alkalde ng Barotac Viejo Iloilo noong 1972 at nanungkulan sa loob ng pitong taon.
Naging kongresisa sa ika-limang distrito ng Iloilo 1987 hanggang 1998 at naupo bilang governador noong 2001 hanggang 2010.
Siya at ang kanyang maybahay na si Myra ay may pitong anak kabilang na sina Congressman Niel Tupas Jr, Barotac Viejo Iloilo Mayor Niel Tupas III at Iloilo Councilor Lex Tupas.
Ang labi ng dating gobernador ay ilalagak ng tatlong araw sa Commonwealth Loyola Funeral bago dalhin sa kanilang bayan sa Iloilo. (Grace Casin/UNTV News)
Tags: Commonwealth Loyola Funeral, dating Ilo-ilo Governor Niel Tupas Sr, Ilo-ilo Rep. Niel Tupas Jr