Dating governor ng Davao del Sur, sinentasyahan ng ng 24 hanggang 32 taon na pagkakakulong dahil sa kasong graft

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 1174

JOYCE_SANDIGANBAYAN
Sinentensyahan ng Sandiganbayan ng dalawamput apat hanggang tatalumput dalawang taong pagkakakulong ang dating governor ng Davao del Sur na si Benjamin Bautista Jr. at lima pang dating opisyal ng probinsya dahil sa kasong graft.

Kaugnay ito ng maanomalyang pagbili ng lokal na pamahalaan ng tatlong bagong sasakyan na hindi dumaan sa public bidding noong 2003.

Tinatayang umaabot sa 5.5 million pesos ang halaga ng mga sasakyan.

Ayon sa Sandiganbayan, nagsabwatan ang mga akusado upang makinabang sila direktang transaksyon sa kumpanyang Toyota, Mitsubishi at Ford.

Malaki aniya ang naging disadvantage nito sa gobyerno dahil maaari silang makabili ng mas murang sasakyan kung isinailalim ito sa tamang proseso sa ilalim ng Government Procurement Law.

Maliban sa pagkakakulong, ipinagutos din ng korte ang perpetual disqualification from office ng mga akusado.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)