Dating Gov. Manny Piñol, itatalaga ni Presumptive President Rodrigo Duterte bilang Agriculture Secretary

by Radyo La Verdad | May 17, 2016 (Tuesday) | 1034

JANICE_LAVINA
Nagdagdagan pa ang mga listahan ng mga personalidad na magiging bahagi ng gabinete ni Presumptive President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Peter Laviña, tagapagsalita ng transition team ni Duterte, inanunsyo na rin ni Duterte sa kanilang pulong ang planong pagtatalaga kay dating Governor Manuel Piñol bilang kalihim ng Department of Agriculture at kay former Customs Commissioner Andrea Domingo bilang hepe ng PAGCOR.

Una nang inihayag ni Duterte sa media kahapon ang ilang personalidad na napipisil niyang maging cabinet members gaya ni Peter Laurel para sa Dept. of Education, Carlos Dominguez para sa Finance, Arthur Tugade para sa DOTC, Gilbert Teodoro sa Defense Department at Sen. Alan Peter Cayetano na inalok namang hawakan ang Foreign Affairs o Justice Department.

Si Atty.Salvador Medialdea naman ang magiging executive secretary habang si Atty. Salvador Panelo ang presidential spokesperson.

Ayon kay Laviña magbubukas sila ng social networking site kung saan makikita ng publiko ang listahan ng cabinet members o mga napipisil na pangalan pati na ng kanilang mga achievement at abilidad sa iba’t ibang larangan.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)