Hinatulan ng kamatayan ang dating Presidente ng Egypt na si Mohammed Morsi.
Si Morsi ay nilitis ng Egyptian court sa kasong espionage at sa naganap na mass jailbreak noong 2011.
Unang sinentensyahan ang dating pangulo ng 20 taong pagkakakulong dahil sa pagaresto at pag-torture sa mga naglunsad ng kilos-protesta noong siya pa ang nanunungkulan.
Si Morsi ang kauna-unahang pinuno na malayang hinalal ng taumbayan sa kasaysayan ng Egypt.
Matatandaang tinanggal sa pwesto si Morsi noong 2013 sa pamamagitan ng militar kasabay ng malawakang protesta laban sa kanyang pamamahala.
Tags: Egypt, Mohammed Morsi