Dating drug user, dumulog sa UNTV upang matulungan na sumailalim sa proseso ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | December 20, 2016 (Tuesday) | 2434

Sa tulong ng programang Serbisyong Kasangbahay sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon, naasistehan ang isang dating drug dependent na sumailalim sa proseso ng pamahalaan upang malinis ang pangalan.

Si alyas Lino ay tatlumput apat na taong gulang, may apat anak at taga-tondo maynila.

Naging shabu user aniya sya mula 2004 hanggang 2011.

Kaya naman nagtaka sya nang malamang kasama pa rin ang kanyang pangalan sa listahan ng drug personalities sa kanilang barangay.

Sinamahan sya ng Serbisyong Kasangbahay team sa police community relations group o PCRG sa Camp Crame.

Dito pinayuhan sya na magtungo sa kaukulang presinto na nakasasakop sa kanilang barangay o sa Manila police district station 1 sa Raxabago, Tondo.

Agad namang umaksyon ang commander ng nasabing presinto na si Coronel Robert Domingo at nakipagugnayan agad sa baranggay 129 zone 11 chairman.

Tiniyak naman ni chairman Dhannie Casasola na oras na makumpleto ni Lino ang mga requirement sa verification ay maiisyuhan na sya ng certification ng barangay na nagpapatunay na hindi na sIya gumagamit ng iligal na droga upang tuluyang maalis ang kaniyang pangalan sa listahan.

Nanawagan ang baranggay at pulisya sa iba pang nasa drug watchlist na huwag mahiya na sumailalim sa proseso.

Nakahinga naman ng maluwag si Lino dahil sa tulong ng UNTV at Serbisyong Kasangbahay.

Mirasol Abogadil / UNTV News and Rescue

Tags: , , ,