Dating driver-bodyguard ni Sen. De Lima, hindi dumalo sa pagdinig sa kasong ‘disobedience to summons’ ng senadora

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 15541

Hindi nakadalo si Ronnie Dayan sa pagdinig kanina ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34 sa kasong ‘disobedience to summons’ ni Senadora Leila de Lima.

Sasalang dapat kanina sa witness stand ang dating driver body guard ni De Lima.

Dahil wala ang testigo ng prosekusyon, walang nagawa si Judge Ma. Ludmila de Pio Lim kundi i-reset o ipagpaliban ang paglilitis sa ika-5 ng Disyembre.

Matatandaang una nang tumanggi si Dayan na tumestigo laban kay De Lima.

Ang kasong disobedience to summons ni Senator De Lima ay inihain nina dating House Majority Leader Rudy Fariñas at House Justice Committee Chair Rey Umali dahil sa paghimok umano ng mambabatas kay Dayan na huwag siputin ang pagdinig noon ng Kamara sa umano’y kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

 

 

Tags: , ,