Dating DOH Sec. Garin, iginiit na hindi minadali ang pagbili sa Dengvaxia vaccines

by Radyo La Verdad | January 24, 2018 (Wednesday) | 1794

Iginiit ni dating Department of Health Secretary Janette Garin na hindi nila minadali ang pagbili sa Dengvaxia vaccines na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.

Dumadaan  sa pagsusuri ng mga eksperto ng Department of Health ang isang bakuna bago ito gamitin sa immunization program ng pamahalaan.

Sa programang bawal ang pikon, Get it Straight with Daniel Razon, ipinaliwanag ni dating  Health Secretary Janette Garin na sa kaso ng Dengvaxia, kabilang sa mga sumuri nito ay ang mga eksperto na tumututok sa  paghahanap ng lunas para sa sakit na dengue.

Iginiit ni Garin, dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng Dengvaxia vaccines. Dinepensahan din nito na bagaman siya ang nag-rekomenda sa pamahalaan na gamitin ang Dengvaxia sa mass immunization, wala aniyang korupsyon sa pagbili ng 3.5 billion pesos na anti-dengue vaccine.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,