Dating CJ Sereno, nagbabala sa negatibong implikasyon ng pagbawi sa amnesty ni Sen. Trillanes

by Radyo La Verdad | September 13, 2018 (Thursday) | 18962

Ilang mga mambabatas ang bumisita kahapon kay Senator Antonio Trillanes IV.

Dumalaw din sa senador si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Hindi idinetalye ni Sereno ang napag-usapan nila ni Senator Trillanes. Ngunit ayon sa dating punong mahistrado, may legal impediments ang inilabas na desisyon ng Supreme Court kaugnay sa petisyon ng senador.

Dahil dito, hindi aniya maaaring ipilit na arestuhin ang senador. Nagbabala rin si Sereno sa negatibong implikasyon ng inilabas na proklamasyon ng Pangulo.

Samantala, naghahanda na ang kampo ng Trillanes sa nakatakdang pagdinig ngayong araw ng Branch 148 ng Makati Regional Trial Court kaugnay ng hiling ng Department of Justice na maglabas ng alias warrant or arrest laban sa mambabatas.

Nanindigan din ang Malacañang na valid at wala nang hadlang sa implementasyon ng Proclamation Number 572.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,