Binisita ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Senador Antonio Trillanes sa Senado ngayong araw, Miryerkules, ika-12 ng Setyembre 2018.
Sinabi nito sa kanyang pahayag sa media ang posibleng implikasyon ng pagpapawalang-bisa ni Pangulong Duterte sa amnestiya na ipinagkaloob kay Senador Trillanes ng nakaraang administrsayon.
Kasalukuyng humaharap si Trillanes sa posibleng pagka-aresto matapos iisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 572 na layong ipawalang-bisa ang amnestiya kay Trillanes.
Samantala, kahapon ay ibinasura ng Korte Suprema ang hiling na temporary restraining order (TRO) ng Senador para pigilan ang planong pagpapaaresto sa kaniya.
Tags: dating CJ Sereno, sen. trillanes, Senado