Nagtungo sa Korte Suprema ngayong umaga sina dating Commission on Human Rights Chairperson Loretta Ann Rosales at dating Solicitor General Florin Hilbay upang maghain ng petisyon laban sa martial law extension sa Mindanao.
Anila, kwestyonable ang constitutionality ng pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon dahil wala umano itong matibay na basehan. Nakasaad din sa kanilang petisyon na unconstitutional ang pribilehiyong writ of habeas corpus Mindanao dahil hindi ito naaayon sa nakapaloob sa 1987 constitution.
Ayon pa kay Rosales, mahigit anim na pung porsyento rin umano sa mga nakausap niya sa Mindanao ay ayaw sa martial law.
Ayon naman kay Atty. Hilbay, layunin din ng kanilang petisyon na maipaliwanag mabuti ng korte ang tunay na depinisyon ng martial law at ang saklaw ng kapangyarihan ng Pangulo na magtakda nito.
Kwinestiyon din ni Hilbay ang motibo ng Pangulo sa pagpapalawig nito at maaaring gamitin ang kapangyarihan nito hanggang sa maipatupad ang batas militar sa buong bansa.
Inaasahan din ni Rosales at Hilbay na kasamang maco-consolidate ang kanilang petisyon sa petsiyong inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman at ilang minority sa Kamara na nakatakdang simulan ang oral arguments sa susunod na linggo, Jan 16 at 17.
Muli namang iginiit ng Malakanyang na naaayon sa batas ang sa konstitusyon ang pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: CHR, martial law extension, Mindanao