Dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, hinikayat na tumakbong senador

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 29995

Kumalat sa social media ang mga panawagan kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na tumakbong senador sa 2019 midterm elections.

Si Ifugao Rep. Teddy Baguilat, may ginawa pang survey sa kanyang twitter account.

Sa twitter post ni Baguilat, nanawagan ito sa partido liberal na ikunsidera si Sereno sa kanilang senate slate, dahil kailangan ni sereno ng platform para ipagpatuloy ang kanyang laban para protektahan ang hudikatura.

Suportado rin ito nina Caloocal Rep. Egay Erice at dating Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, anila kailangan umano ng oposisyon ang kakahayan ni Sereno lalo na sa Senado. Maging ang ilang mga netizen tinutulak din si Sereno sa Senado.

Wala pa namang tugon sa mga panawagang ito ang kampo si CJ Sereno.

Pero ayon kay Liberal Party President Kiko Pangilinan, handa silang tanggapin si Sereno oras na magpasya itong tumakbo sa pagkasenador sa ilalim ng kanilang partido.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,