Pinatawan ng corruption charges si dating Bogo City Mayor Celestino Martinez III at tatlo pang city officials dahil sa koneksyon sa ma-anomalyang dibersyon ng PHP20 million sa pampublikong pondo na itinalaga sa agricultural development na inilipat sa isang pribadong kumpanya noong 2007.
Nakasaad sa 119-pahinang desisyon ng Sixth Division ng anti-graft court nuong Pebrero 28 na guilty sa paglabag sa Republiv Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Martinez, councilor Crescencio Verdida na municipal accountant nuong panahan na iyon, dating municipal treasurer Rhett Minguez, at dating municipal assistant treasurer na si Julio Ursonal Jr.
Pinatawan din ng panghabang-buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang pampublikong opisina at pagkawala ng lahat ng retirement benefits ang mga akusado.
Samantala, naka-archive naman at may pending arrest sa isa pang akusado na nananatiling at large na si dating municipal budget officer Mary Lou Ursal.
Nahatulang guilty sa pagsasabwatan ang mga opisyales tungkol sa pagdivert ng PHP20 milyon ng public funds sa Bogo Municipal Employees Multi-Purprpose Cooperative (BMEMPC) na isang pribadong korporasyon.
Galing ang pondo sa Department of Agriculture (DA) na nakalaan sa agricultural at livelihood assistance para sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang mga kasapi sa marginalized sector sa ilalim ng Ginintuang Agrikulturang Makamasa (GAM) program ngunit tinurn-over noong April 26,2007 ng mga opisyales sa BMEMPC na itinala bilang conduit for public funds at ginawang eksklusibo ang pondo sa BMEMPC.
Nag-avail ang mga akusado ng malalaking loans mula sa BMEMPC, kasama ang ibang miyembro.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)