Pinaghahandaan na ngayon ni dating Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang nakatakdang pagbalik bilang kongresista.
Sa ilang taong pananatili bilang pinuno ng Bureau of Customs maraming pagbabago ang nais nyang isulong sa pamamagitan ng mga bagong batas.
Nais ni Biazon na gawing fully digital at modernized ang transaksyon sa boc upang maiwasan na ang mga under the table transaction na nagiging source ng kurapsyon.
Lalo na ang pagbuwag sa aniya’ý mga maiimpluwensyang grupo sa loob ng boc kaya nakakapagpuslit ng mga kagramento sa ahensya.
Gaya ng isyu ng umanoy tangang pagpuslit ng ilang mga container na naglalaman ng smuggled na asukal, kung saan isinasangkot si dating LTO Chief Verginia Torres.
Nais din nitong mapadali ang proseso ng pagre-release ng mga donated items mula sa ibang bansa.
Matapos maranasaan noon ang mabagal na pagdi-distribute ng mga tulong na bumuhos sa ibang bansa nang manalasa ang bagyong Yolanda.
Muling tatakbo bilang kongresista ng Muntinlupa si Biazon kapalit ng kanyang ama na si incumbet Muntinlupa Rep Rodolfo Biazon.
Makakalaban nito bilang kongresista di dating Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts.
Wala pa namang inaanunsyon plano ang matandang Biazon kung ito ay tatakbong muli sa pagkasenador.(Grace Casin/UNTV Correspondent)