Sumuko na at nagpiyansa si dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa Sandiganbayan para sa kasong malversation of public funds.
40 thousand pesos ang kanyang binayarang bail sa fifth division na humahawak sa kanyang kaso.
Kinasuhan si Leviste matapos na mabigong i-liquidate ang mahigit 151 thousand pesos na ginastos niya sa kanyang mga byahe sa ibang bansa noong 2003 habang siya pa ang chairman ng Philippine Retirement Authority o PRA
Paliwanag ni Leviste, mismong ang P-R-A pa ang may utang sa kanya o hindi pa naibabalik ang kanyang pera.
Itinanggi rin nito na may anomalya sa paggamit ng pondo ng kanyang pinamunuang ahensya.
Kinasuhan din ng ombudsman si Philip John Moreno, ang accountant at finance officer ng PRA dahil sa umano’y pakikipagsabwatan kay Leviste.
Wala pang resolusyon ang Sandiganbayan hinggil sa kaso at hindi pa rin naglalabas ng warrant of arrest laban sa ibang akusado.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: Dating Batangas Gov.Jose Antonio Leviste, kasong malversation, Sandiganbayan