Dating barangay kapitan sa Davao City, patay sa pananambang

by Radyo La Verdad | June 8, 2018 (Friday) | 4326

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang outgoing barangay captain ng Brgy. Talandang, Tugbok District at ang kanyang driver matapos tambangan ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Brgy. Magtuod, Talomo District kahapon.

Kinilala ang biktima na si outgoing Brgy. Capt. Reynaldo “Bonjong” Dumagan, 52 anyos at ang kanyang driver na si Fernando Suganod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, sakay ang mga biktima ng disaster response vehicle ng barangay kasama ang ilang mga kaanak nito nang bigla silang harangin ng pulang pick up at saka pinagbabaril ng mga sakay nito.

Ayon naman sa mga Taga Brgy. Magtuod, hindi nila napansin ang nangyari dahil liblib na bahagi ang lugar at walang masyadong dumadaan na sasakyan.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at ano ang motibo ng mga ito.

Isa sa mga tinitingnan ng mga ito ay kung may kinalaman ito sa pulitika.

 

( Dianne Ingente / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,