Dating ASEAN Secretariat, itinalaga ni Pangulong Aquino bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 1569

JERICO_ALICIA
Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Alicia Dela Rosa-Bala bilang bagong pinuno ng Civil Service Commission na may termino hanggang February 2022.

Pinalitan ni Bala si dating CSC chairman Francis Duque III na natapos ang termino noong nakaraaraang Pebrero.

Si Bala ay nagsilbing Deputy Secretary General ng ASEAN secretariat sa Jakarta.

Nagsilbi rin siyang Undersecretary ng DSWD at naging Career Executive Service Officer mula noong 1999.

Siya ay nagtapos sa Centro Escolar University at nakakuha ng Masteral degree sa Social work sa University of the Philippines.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,