Nahaharap sa 4 counts ng malversation at 4 counts ng paglabag sa Section 3-E ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act si dating Albay 3rd District Representative Reno Lim.
Inerekomdenda ng Office of the Ombudsman na kasuhan sa Sandiganbayan si Lim dahil sa umano’y maanomalyang paggamit nito ng 27-milyong pisong halaga ng pork barrel fund.
Kasama rin sa inirekomendang kasuhan ang mga executive ng Technology Resource Center na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover at Consuelo Lilian Espiritu.
Gayundin sina Carlos Soriano at France Mercado ng Kaagapay Magpakailanman Foundation Incorporated o KMFI.
Sa ulat ng Commission on Audit, hiniling ni Lim na mailabas ang kanyang 30-million peso-pdaf at tinukoy ang TRC bilang implementing agency at KMFI bilang NGO partner nito para sa proyektong pagbili ng walong libong set ng livelihood instructional materials at technology kit.
Dalawang beses umanong pinili ni lim ang kmfi bilang project implementor.
Ngunit lumabas sa pagsusuri ng COA na maanomalya ang paggamit ng PDAF dahil hindi dumaan sa public bidding ang pagpili ng project implementor, wala ring legitimate business address at track record ang NGO na KMFI at inirelease ang 27-milyong pisong pondo bago pa man pirmahan ang isang memorandum of agreement.
Ayon pa sa COA, kinokonsidera itong ghost projects dahil walang nai-deliver na livelihood kits sa mga constituent ni Lim.
Depensa naman ni Lim, kwestiyonable ang kredibilidad ng mga lagda sa mga dokumento at bilang isang baguhang mambabatas ay sinusunod lang niya ang pdaf pre-implementation procedure.
Ayon sa Ombudsman, may sapat na ebidensya upang sampahan ng kaso si Lim dahil sa pagturing nito ng pork barrel fund bilang kaniyang sariling pondo, at pagpiling personal hindi lang ng ipatutupad na proyekto kundi maging ng implementing agency at NGO. (Rosalie Coz/UNTV News)
Tags: ating Albay 3rd District Representative Reno Lim, pork barrel fund, Technology Resource Center
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com