Dating aktor, 10 iba pa arestado sa ‘Party Drugs’ sa Taguig

by Radyo La Verdad | November 28, 2017 (Tuesday) | 6622

Kalaboso ang labing isang tao, kabilang ang isang dating aktor sa ikinasang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa loob ng isang 5-star hotel sa Bonifacio Global City Taguig.

Kinilala ang primary suspek sa pagtutulak ng iba’t-ibang uri ng iligal na droga na si Edmond Remegio at Malik Coronel na isang model-actor.

Kasama sa naaresto sina Carlo Lasala, isang doktor; Manuel Valdez, insurance agent; Jake Tolentino, insurance claim professor; Jose Carlo Torres, engineer; Mario Aclan, make-up artist; Angelo Padasas, office staff; Jevel Ucero, isang estudyante; Legui Brylle Gonzales, account manager; at Bryan Dizon, software developer.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa kalagitnaan umano ng drug party ang mga suspek ng mahuli ang mga ito. Nakumpiska ng mga otoridad ang 20 tableta ng ecstacy, 8.6 gramo ng shabu, at 12 bote ng gamma biyutayrolactone o GBL na mas kilala sa tawag na liquid ecstacy. Tinataya ito na may street value na ₱383,000.

Inihayag din ng PDEA ang mga modus ng mga drug suspek sa mga hotel at clubs.  Natuklasan din ng PDEA ang contact number ng ilang celebrities na  ka-transkasyon ng mga suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng PDEA para malaman kung sino ang mga parokyano at supplier ni Remegio.

Nagbabala din ang PDEA sa mga party goers na gumagamit ng iligal na droga

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,