Data privacy ng bawat ahensya ng pamahalaan, mas patitibayin ng National Privacy Commission

by Radyo La Verdad | December 6, 2016 (Tuesday) | 2599

joan_liboro
Higit sa dalawang daang Information Security Officer mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ang nagsasama-sama sa kauna-unahang Data Privacy Summit ngayong taon.

Tinuruan sila kung paano mas protektahan ang privacy ng mga hawak nilang personal na impormasyon ng mga ahensya ng gobyerno, tulad na lamang ng National Statistics Office, Social Security System, Commissions on Elections at iba pa.

Kabilang sa mga tinalakay sa summit ang ilang proseso kung papaano maiiwasan ang personal data breach o pagka-hack ng isang website.

Ayon sa National Privacy Commission, isang hakbang ito upang maiwasan na magamit ang mga naturang impormasyon ng isang indibidual na maaring magsangkot sa anumang uri ng maanomalyang gawain.

Nito lamang 2016, dalawang buwan bago ang araw ng halalan, nang mapasok ng hacker ang website ng COMELEC kaya hindi ma-access ng mga botante ang kanilang voters registration.

Ilang serye na rin ng pagnanakaw ang naitala ng mga otoridad, matapos na mamanipula ng mga hacker ang website ng ilang bangko.

Kaugnay nito, may babala rin ng komisyon sa sinumang grupong na gumagawa ng ganitong uri ng modus operandi.

Sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012, ang sinomang hindi otorisadong mag-proseso ng mga sentibo at personal na impormasyon ng isang indibidwal ay maaaring patawan ng hanggang dalawang taong pagkakabilanggo at pagmumultahin ng hanggang dalawang milyong piso.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,