METRO MANILA – Naka- abang ang buong bundo sa matutuklasang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019.
Nguni’t ayon kay Dr Takeshi Kasai ang WHO Western Pacififc Region Director kailangan kumilos ang mga pamahalaan na mapabuti ang kanilang COVID-19 response habang naghihintay sa maaaprubhanag bakuna.
Gaya ng pagpapaigting sa contact tracing at testing.
Bukod sa Sputnik V may 25 vaccine manufacturers pa ang kausap ng Pilipinas upang makauna ang bansa sa anomang bakuna na maaprubahan .
Oktubre naman inaasahang magsisimula ang parallel clinical trial ng Pilipinas sa Russia sa Sputnik V
Tiniyak naman ni Dr Takeshi Kasai ang pagkakaroon ng fair access ng mga bansa sa western pacific region gaya ng Pilipinas sa bakuna .
May binuo ang WHO na access to COVID-19 tool accelator at isa sa nakapaloob dito ang nakatutok sa lahat ng may kaugnyan sa bakuna na tinawag na COVAX facility
Noong nakaraang buwan ipinahayag ng DOH na kasama ang Pilipinas sa COVID-19 vaccines global access o COVAX facility.
Ito ay isang global collaboration ng who at iba’t ibang organisasayon para sa mabilis na development at distribusyon ng COVID-19 vaccines, tests at treatment .
Mahigit 150 na bansa na ang kasali sa global facility na layon makapamahagi ng 2-B doses ng safe at effective na bakuna sa mga bansa na inaasahang maaaprubahan sa katapusan ng 2021.
Kagabi (August 20) sa tweet ng Chinese emabassy sa Manila na posibleng maging available na sa merkado ang COVID-19 vaccine na gawa ng sinipharm sa buwan ng December .
Nagkakahalaga aniya ito ng 1000 Yuan, katumbas ng 144 US dollar o halos pitong libo para dalawang shot .
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Vaccine