Danyos sa agrikultura ng El niño, umabot na sa P1.23-Billion – NDRRMC

by Radyo La Verdad | March 13, 2024 (Wednesday) | 7418

METRO MANILA – Lumobo na sa P1.23-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa matinding epekto ng el niño phenomenon sa bansa.

Nasa mahigit 26,000 na ektarya na ang napinsalang crop area na nakaapekto naman sa 29,000 na magsasaka at mangingisda.

Bilang tugon, mayroon nang mahigit P360-M ang naipamahagi ng department of agriculture (DA) na tulong sa mga apektadong sektor.

Tags: ,