METRO MANILA – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umabot na sa 80% ang mga nagpa-consolidate na Public Utility Jeepney (PUJ) sa buong bansa para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, tumaas ang bilang na ito dahil sa determinasyon ng pamahalaan na itaguyod ang nasabing programa.
Dagdag pa ng opisyal, naging mahalaga ang naging papel ng awareness ng PUJ drivers ukol sa nais isulong ng pamahalaan kung saan nakatulong ito sa pagtaas ng bilang ng mga nagpa-consolidate.