Muling nagpulong ang mga railway engineers mula sa Department of Transportation (DOTr), MRT-3, Philippine National Railways (PNR) at CRRC Dalian para sa gagawing simulation run sa Dalian trains ngayong Oktubre.
Layon ng naturang simulation run na ma-review ang reliability at compatibility ng Dalian trains bago ang planong pagpapatakbo sa mga ito bago matapos ang taon.
Tiniyak naman ng MRT management na hindi makaka-abala sa normal na operasyon ng mga tren ang gagawing simulation run.
Una nang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na plano nilang ipagamit sa mga pasahero ang apatnaputwalong bagon ng Dalian trains bago matapos ang taon kapag nasigurong ligtas ibiyahe ang mga ito.
Tags: Dalian trains, DOTr, MRT